KABANATA 78: KINABIG ako ni Philip para yakapin. Humalakhak siya sa sobrang tuwa. Nanigas ako sa kinatatayuan. Niyakap niya ako ng mahigpit. Nagulat ako pero unti-unti akong nakabawi ay niyakap din si Philip. Ramdam ko iyong saya niya ngayon. Ngumiti ako ng tipid. Lumayo siya at tinignan ako sa mga mata. “Hindi ka magsisi, promise!” anito at tila nanumpa pa dahil itinaas ang isang palad sa ere. I chuckled. “Sabi mo ‘yan. Tatandaan ko.” Tumawa ito pero sunod-sunod ang tango. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko nanunuod pa din siya. Nariyan pa din siya kaya pasimple akong bumaling muli sa direksyon niya pero wala na siya. Sarado na ang bintana. Nasaksihan kaya niya iyong kanina? Pero ano bang pakialam ko kung oo o hindi. Bahala na siya. Ang gusto ko na lang makalimot. Hindi din nagtagal s