KABANATA 79: WALANG bukambibig si Lolo kundi kung gaano siya kasaya na pinili ko si Philip. Na nasa mabuting kamay ako. Pinili kong ngitian ang lahat ng iyon. Iniisip ko na baka sa susunod na mga araw, linggo at buwan. Tuluyan ko ng mamahalin si Philip. Nagawa ng iba na mahalin iyong tao kahit hindi naman nila nagustuhan noong una. Kaya kaya ko din. Kaya ko 'to. Inantay na ako ni Philip na maligo at magbihis. Babalikan ko sila Rita at Phoebe sa guesthouse pero dadaan muna ako sa opisina. Silang dalawa ni Lolo ang naiwan sa garden. Palaging ganito ang eksena kapag kasama si Philip. Hindi ko alam ano pa ba ang ibang pinag-uusapan nila kasi hindi sila nagsasawang dalawa? Matapos ng lahat ay lumabas na din ako at nagpaalam na kami na papasok na ko sa opisina. Si Philip ang nag-drive sa akin