KABANATA 80: LUTANG ako habang naliligo. Ayaw ko man ipahalata ay lumalabas talaga sa tuwing nahuhuli ako nila Rita at Phoebe. Iba ang sinasagot ko sa mga tanong nila. Naookupa ni Vernice at Emil ang utak ko kahit na pilit ko namang hindi sila intindihin. "You should've been affected by them. Hayaan mo silang dalawa. Pare-pareho naman na kayong may bago na," sabi ni Rita habang nakalubog pa din kami sa tubig. "Yeah... Halata sa mukha mong apektado ka pa naman," puna ni Phoebe. Napanguso ako. Kahit kailan ata hindi ko magagawang magtago ng nararamdaman sa mga kaibigan ko. Palagi kasia kong nabubuking. "You know what? Instead of thinking about them, why don't you give your full attention to Philip. Sobrang good catch. Ilang beses ko na ba itong nasabi? Basta! Bagay na bagay kayo kaya h