KABANATA 30: NAKATULUGAN ko si Emil sa kakaantay. Nagising ako kinabukasan dahil sa tawag niya. Tsaka ko nalaman na may iniwan siyang messages sa akin kagabi at late na kaya hindi na ito nagbalak na tumawag pa sa akin. "Anong nangyari kagabi?" namamaos kong tanong sa kanya. Kagigising ko lang at tinatamad pa kong bumangon ngayon na kausap ko siya. Humikab ako at nag-unat habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone. Naninigkit pa ang aking mga mata habang sinisilip ko siya sa camera. "Nag-usap lang kami ni Mama. Anong oras tayo aalis?" tanong ni Emil. Kumunot ang noo ko dahil bagong ligo ito. Dito ako bilib sa kanya. Late na natulog pero nakukuha pang gumising ng maaga. Paano niya nagagawa 'yon? Nag-alala lang ako kay Emil. Alam ko na galit ang Mama niya kagabi tungkol sa ginawang