KABANATA 29: HINDI maipinta ang aking mukha ng bumalik ako sa opisina. I tried my best to look normal. Pero hindi ko magawa. Hindi ako makangiti! Mabuti na lang naka-break si Mia ng dumaan ako sa post niya. Pero may ilang staff akong nadaanan na nginitian ko pero alam kong peke naman. Panay ang taas-baba ng aking dibdib tanda ng iritasyon. May galit sa bagay na hindi pa nga kumpirmado kung sino ba iyong honey na tinatawag ni Emil. Bago ito sa akin, hindi ko alam paano ba i-handle ng tama kapag magseselos pero instinct ko na lang na umalis doon. Hindi ko matagalan at baka ano pa ang magawa ko. Inis kong pinagbubuklat ang mga papeles doon pero tiniklop ko dahil hindi mag-sink in ang mga numero sa aking utak. Sumubok akong magbasa ng email. May mga emails na doon galing sa engineer dahil