KABANATA 28

2079 Words

KABANATA 28: NAKATAGILID ako habang nakatingin sa screen. Kanina pa kami nag-uusap ni Emil. Treinta minutos na pero para bang sa akin maiksi pa lang iyon. Ayoko pang putulin. Niyakap ko ng mahigpit ang unan. "Inaantok ka na. Matulog ka na..." namamaos nitong sabi. Pinasadahan ng daliri ni Emil ang mahaba nitong buhok. Abala si Emil sa pag-re-repack ng mga piso-pisong paminta at bawang. May munting tindahan sila Emil. Iyon ang pinagkaka-abalahan ng Mama niya. Sa tagal naming nag-uusap sa gabi. Aware ang Mama niya na may kinakausap ang anak nito na babae. Pero ni minsan hindi naman kami nagka-usap sa cellphone or naririnig ito na tinatanong si Emil kung sino ako. "Ayoko..." sagot ko at mas niyakap pa ng mahigpit ang unan. Huminga ako ng malalim. Sumulyap si Emil sa camera at napangiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD