KABANATA 11:
PINILI kong mag-focus sa trabaho pero sadyang ang balita tungkol kay Amanda at Emil ang siyang lumalapit sa akin kaya heto nawawala na naman ako sa konsentrasyon. Lumabas ako sa kwarto dahil inaayos ng staff ang problema ko sa gripo.
Naisipan kong maglakad-lakad muna. Sinilip ko ang sa Admin office. Lahat ng tao doon ay abala. Ngumiti ako ng makita nila ako at binati. Nakarating ako sa Reception. Maraming bakasyonista ang naga-antay sa Lounge Area. Busy din sa reception dahil sa check-out ng ilang guests.
"Goodmorning po, Maam!"
Tinanguan ko sila at nagpatuloy sa paglalakad. Maingay dahil nga marami ang tao. Kanya-kanyang kwentuhan pero hindi nakaligtas sa akin ang tungkol na naman sa kay Emil.
"Ano ka ba! Gwapo nga. Kahapon, hindi ako makasingit. Ang haba ng pila sa kanya! Tignan mo, magulat ka na lang nasa KMJS na 'yon! Kung lahat ng naga-alaga ng kabayo ganoon ang dating at itsura. Nako, okay lang kahit araw-araw akong magpapaturo at sasakay sa kabayo." Humagikgik ang dalaga habang nagu-usap sila ng katabi nito. Nasa tabi nila ang mga maleta. Magtse-check out na ata.
Hanggang sa ang paglalakad ko ay napadpad na ko sa arena. Nanliit ang mga mata ko ng makitang andaming tao sa arena dahil kay Emil. Ang haba ng pila sa kanya!
Natanaw ko sa silong si Amanda. Kasama ang alalay nito na pinapaypayan siya habang nakamasid kay Emil na inaasikaso ngayon ang isang guest. Magsisimula pa lang ata dahil sasampa pa lang sa kabayo. Nagtatawanan ang ilang dalaga na para bang tinutukso pa ang babae sa kay Emil.
Wala namang reaksyon ang binata. Seryoso lang siya. Kahit na mataas ang sikat ng araw ay game na game pa din ang mga guest. Ayaw magpa-awat. Naka-cow boy hat si Emil. Pawisan na nga dahil basa na ang sa bandang dibdib. Nakaramdam ako ng awa para sa binata. Siguro hindi na din siya nakakapag-break dahil sa dami ng gustong pumila sa kanya.
Nagtilian ang magba-barkada ng ang isang dalaga ay pinunasan na ang pawis ni Emil gamit ang panyo nito. Napatango habang nakangiti si Emil. Nagpapasalamat.
Humalukipkip ako. Balak ko sanang lumapit pero nagbago ang isip ko. Bukod sa mainit. Ano namang gagawin ko? Oras ng trabaho niya at magtataka ito kapag nakita akong naroon.
Napasulyap ako kay Amanda na napatayo na mula sa upuan nito. Matalim ang mga mata habang tinatanaw si Emil at mga kababaihan sa malayo. Bumuntong-hininga ako. Halatang nagse-selos siya. May gusto siya kay Emil kaya siya nandito.
Napailing na lang ako habang pabalik sa opisina. Andaming babae ni Emil. Andami niyang ka-kumpetensya. Paano na lang kung maganda din ang mang-akit sa binata. Matutukso kaya siya kung halimbawa may karelasyon na siya?
Sa panahon ngayon, marami na ang manloloko. Maraming babaero. Kahit nga hindi katulad ng kay Emil. Hindi ka-gwapuhan nakukuhang magloko. Paano pa kaya ang tulad nito. Lalo na palay na ang lumalapit.
Ganunpaman, gusto ko pa din siya. Mananatili lang na sikreto ito at siguro naman mawawawala din paglipas ng panahon.
Tumayo si Mia pagka-kita sa akin.
"Maam, okay na po. May tubig na po."
Tumango ako at lumapit sa kanya.
"Sumunod ka sa akin sa office," sabi ko. Agad din naman itong tumalima.
Pagka-upo ko pa lang sa swivel chair ay nagsalita agad ako.
"Nakakapag-break time pa ba si..." Nasa dulo ng dila ko ang salita. Naga-alinlangan banggitin ang pangalan niya pero tinuloy ko na lang din. "... Emil?"
Halata ang pagkabigla ni Mia sa tanong ko. Ni minsan kasi ay hindi niya narinig sa akin ang ganito. Tunog may concern nga naman sa pandinig para sa isang empleyado.
Sumandal ako sa upuan. Pinanatili ko ang walang reaksyon sa mukha.
"I visit the arena. Halos lahat ata ng guest doon ay sa kanya pumipila. Ayokong abusuhin ang kasakitan niya sa mga tao. Baka sa oras na mapagod siya ay umayaw siyang bigla sa trabaho. I admit, malaking kawalan si Emil kapag nangyari iyon." I fold my arms and crossed my legs while looking at her.
Tumikhim si Mia at biglang napahiya. Alam ko na tama ang iniisip ko sa iniisip niya kanina.
"Sabi po ni Edgar, kahit oras ng breaktime napipilitan daw si Emil na tumanggap kasi maraming naga-antay sa kanya," ani ni Mia.
Napapikit ako ng mariin. Hinilot ang sentido.
"Naabuso na siya, Mia. Hindi pwede ang ganito. Strict tayo kapag break time. Wala siyang tatangapin. Simula bukas, sa hapon na lang siya pupunta sa arena para maga-assist sa mga guest." Umayos ako ng upo at binuhay muli ang laptop.
"P-po?"
Nasulyap ako sa kanya.
"Sa hapon na lang siya sa arena. Sa umaga, ilipat mo siya sa ibang area. Ikaw na ang bahala. Basta 8 hours a day pa din. Masyado na siyang bugbog sa arena," saad ko pagkatapos ay binaling ang mata sa Laptop.
"Uhh... sige po, Maam," anito at umalis na pagkatapos.
Nakatitig ako sa harap ng email ng tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko iyon at nakitang hindi naka-rehistro ang numero.
I frowned as I opened my phone.
Hi, Senyorita! It's me, Philip.
Sumandal ako sa upuan at nagtipa ng reply.
Hello.
Napa-iling na lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong ire-reply ko. Umayos ako ng upo at muling nagbasa ng email ng tumunog ulit ang cellphone ko. Ang bilis mag-reply. Hindi ba 'to busy?
I cleared my schedule for next week. I'm free for five days. Can I call?
Napatuwid ako ng upo. Paulit-ulit kong binasa ang text niya. Bakit parang ang bilis? Noong nakaraang araw nga lang kami nagkita. Malinis agad schedule niya sa susunod na linggo? Nagkibit-balikat ako.
Sa totoo lang, wala ako sa mood para sa phone call. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
I'm working righ...
Hindi natuloy ang reply ko dahil sa tawag niya. Tatawag din naman pala bakit nagpaalam pa?
Nilapag ko sa lamesa ang cellphone ko at hinayaan kong mag-ring iyon. Namatay din naman matapos ang ilang segundo.
Me: I'm in a meeting.
Oh, sorry!
I rolled my eyes. I don't want to give him false hope dahil lang sa ine-entertain ko siya. Wala din naman siyang sinabing manliligaw siya pero sa oras na sabihin niya iyon ay aaminin kong kaibigan lang ang maio-offer ko sa kanya.
Nagdahilan ako para lang tigilan niya. Nakakatawa lang na nag-reply pa ako ng Hello kanina. Tapos ang ending may meeting. Bahala na siya kung anong isipin niya. Nagpatuloy ako sa trabaho ng tumunog ulit ang phone ko. I sighed. Tamad kong binuksan ang message niya.
Hindi na din naman siya nag-reply. Naalala ko pa naman ang pangako ko sa kanya na ililibre ko siya ng staycation. Of course, Mayor siya at nakakahiya naman kung pagbabayarin ko. Kakilala pa man din ni Lolo ang kamag-anak niya. Malapit na kaibigan si Mayor Catindig.
Pauwi na ako ng maisipan ko siyang replayan.
Me: Let me know the exact days for your staycation para ma-advise ko sa staffs. Mai-book ang room for you para next week.
I grabbed my Kate Spade sling bag before I left my office. Papa-dilim na. Nauna na nga ang ilang empleyado na umuwi kaysa sa akin. Binati ako ng ilang staff ng mapadaan sa area nila. Maging sa Reception.
Paglabas sa Clubhouse ay naka-abang na agad ang driver sa akin.
"Maglalakad lang ako, Kuya. Hindi naman mainit. Tsaka may liwanag pa. Kulay orange pa ang langit," paalam ko.
Akmang magsasalita pa ito ng inunahan ko.
"Don't worry, hindi magagalit ang Lolo. Malapit lang naman ang mansion."
"Sige po, Senyorita," sagot nito habang napapakamot sa ulo.
It's a fifteen minutes walking distance lang naman. Palagi akong hatid-sundo ng driver sakay ang SUV. Minsan pag gusto ko golf cart. Kaso ngayon mas pipiliin kong maglakad. Sa dami ng nakain ko nitong nakaraang araw. Pakiramdam ko tumaba ako.
Pakiramdam ko lang naman. Hindi naman ako malakas kumain pero dahil kasama ko sila Rita at Phoebe parang nahatak na lang din ako. Na-engganyo dahil masarap sila kung kumain.
Binuksan na ang ilaw sa mga poste. Tumapak ako sa mga bato para hindi maalikabukan o bumaon ang heels ko sa lupa.
Napadaan ako sa arena. Wala ng guest dahil alas-sais naman na ng gabi. Nagulat ako na papunta siya sa diresyon ko. Mukhang pauwi na din. Hinatid lang sa kwadra ang kabayo. Hindi ko tuloy alam kung babatiin ko ba siya o magdi-diretso ako ng lakad ngayong nakita niya ako. Sakto pa talaga na napatingin ako at siya ay papunta talaga sa direksyon ko.
"Senyorita!" tawag niya sa akin ng nagdire-diretso ako ng lakad.
Hindi naman kami close. Hindi din naman kami magka-away. Pero ayoko lang na napapalapit sa kanya dahil iba ang epekto ni Emil sa aking sistema. Napilitan tuloy akong huminto dahil sa tawag niya.
Tinignan ko lang siya habang habol ang hininga ng takbuhin ang pagitan namin. Napatingin ako sa damit niya. Mabuti naman at nagpalit. Pawis na pawis siya kanina. Basa din ang buhok. Naligo bago umuwi. Sumulyap ako sa likod niya.
Napatingin din ito tuloy doon.
"Bakit?" takang-tanong nito.
Umiling ako. Hinahanap ko si Amanda. Kanina nandiyan. Hindi niya inantay matapos si Emil? Mukhang sa itsura no'n kanina mukhang buo ang loob nitong bantayan 24/7 ang binata.
"Bakit?" balik-tanong ko sa kanya. Tinatanong ko kung bakit niya ako tinatawag.
Kumunot ang noo nito. Hindi naintindihan ang tanong ko.
"Bakit mo ko tinawag?" sabi ko. Taas ang aking noo. Ayoko na mahalata niya na naghuhurumentado ang puso ko sa dating niya.
"Pauwi ka na ba? Nasaan ang driver? Bakit mag-isa kang naglalakad? Malapit ng dumilim," anito at tumingin pa sa kalangitan. Tsaka ko napansin na nawawala na ang kulay kahel na kalangitan.
"Tinawag mo kasi ako kaya 'yan maabutan na ko ng dilim. Bakit ba?" Nilangkapan ko ng iritasyon ang boses ko para naman mahalata niyang hindi ako natutuwa sa presensya niya. Taliwas sa tunay kong nararamdaman.
"Ihahatid kita bago ako umuwi. Delikado na ganitong madilim naglalakad ka mag-isa," sabi nito. Ang boses niya ay sadya talagang malalim. Nakakapang-akit o ako lang talaga 'yong nakakaramdam no'n?
"Wala namang ibang maliligaw dito na masamang tao. Property namin ito, Emil." Tinalikuran ko siya at nagmamadali sa paglalakad.
Naramdaman ko ang mabibigat nitong hakbang. Sumunod sa akin. Mas bumilis ang pintig ng puso ko. Nagkandabuhol-buhol ata ang nasa isip ko ngayon.
"Hindi natin masabi. May mga guest ka na pwedeng maglakad-lakad. Mamaya matyempuhan ka." Hinawakan niya ako sa braso. Sa gulat ko dahil sa naramdamang elektrisdad ay mabilis kong inalis iyon.
Pareho kaming natigilan at napatingin sa isa't-isa.
"Ano 'yon?" bulong ni Emil.
Napakurap-kurap ako. Naramdaman din niya?
"Bahala ka na nga. Lalo akong gagabihin sa pakikipag-usap ko sa'yo." Sinimangutan ko siya at tinalikuran. Sumunod ito sa akin. Maraming puno ang nadaanan. Maayos naman ang daan dahil stepping stone. Bukod doon may ilaw ng poste. Nasa likod ko lang si Emil. Na-conscious tuloy ako sa lakad ko. Hindi ako makahinga ng maayos gayong alam kong nakasunod siya sa akin at pinagmamasdan ang likod ko.
Sa malayo pa lang ay tanaw ko na ang Mansion. Hinarap ko siya.
"Bumalik ka na. Ayan na ang Mansion. Safe naman na ako 'di ba?" Tinagilid ko ang ulo habang pinagmamasdan siya.
Nakapamulsa si Emil habang lumapit pa sa akin lalo. Kumunot ang noo ko at napatingala. Nanliit ako bigla sa tangkad niya. Wala sa sarili akong napatingin sa matipuno nitong braso. Pakiramdam ko kayang-kaya niya akong buhatin kapag kumapit ako sa mga iyon.
Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin.
"Sige na maglakad ka na. Aalis ako kapag nakapasok ka na sa gate..." namamaos nitong sabi. Ang mga mata niya ay maingat at hindi man lang kumukurap sa pagtitig sa akin. Ang lakas ng loob niya na titigan ako ng ganyan. Siya lang ang bukod tangi na gumawa nito sa kabila ng malaking agwat ng estado namin sa buhay.
"Geselle," tawag niya sa pangalan ko.
Natauhan ako bigla.
"Ha?" I frowned.
"Maglakad ka na," utos niya.
"Uhh... sige!"
Mabilis ko siyang tinalikuran. Hindi maalis sa isip ko iyong mga mata niya. Iyong pagsabay niya sa akin pag-uwi. Iyong kung gaano ako ka-attracted sa katawan at sa itsura niya.
Tsaka ko na-realize habang naglalakad na para lang akong nahipnotismo. Hindi kaya ginagayuma niya ako?
I never have a strong s****l desire for someone. Bukod tangi si Emil na bumuhay sa makamundong pagnanasa ko. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata at ipinilig ang ulo. Huminga ako ng malalim habang mabibilis ang mga paa na naglakad ako papasok sa gate ng Mansion.