KABANATA 48: MADALING araw na ko nakatulog. Pare-pareho kaming puyat nila Phoebe dahil sa inamin ko sa kanila tungkol sa kagabi. I decided to share it with them since they knew about my relationship with Emil. Wala din naman akong mapagsasabihan at bukod doon nahihirapan akong solohin lahat. Ang bigat ng dibdib ko. I know I made a right choice pero bakit ako nahihirapan ng ganito. "It will fade away. Masakit talaga sa una. It's okay to cry kasi process iyan ng pagmo-move on. Kung desido ko naman talagang hiwalayan siya kahit na masakit. Tanggapin mo kasi choice mo 'yan," naalala kong sabi ni Rita. "Tsaka negative talaga din kahit ituloy mo pa. Malalaman at malalaman 'yan ni Senyor. Duon din ang punta niyo, so it's better to end it right away..." iyon naman ang sabi ni Phoebe. Mabuti na