KABANATA 50: NATULALA ako at tila pinoproseso ng utak ko iyong sinabi ni Manong. Umalis na siya pero nakatitig pa rin ako sa kawalan. "Who's Emil? Your boyfriend?" Unti-unting pumatak ang luha sa aking mga mata. Literal na kumirot ang dibdib ko. Tsaka lang nag-sink in sa akin lahat. Na wala na siya. Umalis na. "Hey..." si Zeek at dinungaw ako. Napasinghap siya ng makitang umiiyak ako. "Why are you crying?!" Natataranta nitong sabi. Hindi ako makapagsalita hanggang sa humikbi na ako ng tuluyan sa harap niya. Wala na akong pakialam. Basta ang sakit-sakit ng dibdib ko kahit na ako naman ang may kasalanan din kung bakit ganito. Hindi ko na nasundan paano ako nakarating sa sasakyan. Hindi ako makausap ng maayos at nanatili akong nakatulala sa harap ng bintana ng sasakyan. Si Zeek na a