KABANATA 51: TAHIMIK ako habang kumakain ng egg tart sa resto sa Hacienda. Dalawang buwan ko na itong ginagawa simula ng umalis siya. Nalulungkot ako sa opisina. Mas lalo akong nawawalan ng gana kumain mag-isa. Gusto ko na makakita ng maraming tao. That way gumagaan ang pakiramdam ko at nakakalimutan ko siya. Alas tres na ng hapon at nagpasya akong dito na lang muna manatili kasama si Mia. Abala ako sa pagso-scroll sa Instagrammy account ng marinig ang guest na nag-uusap sa kabilang table. "Naabutan ko pa siya dati bago mag-model 'yan. Kasama ko naman sila Mama noon. Grabe noh? Trabahador lang 'yan dito dati, eh. Nag-aassist sa guest at janitor. Biglang boom, sumisikat na siyang model. Sabagay magandang lalaki talaga 'yan. Maski sa personal." Tumikhim ako at nag-focus sa tinitignang po