KABANATA 75: MAS lalong nagdilim ang anyo ni Emil. Lalo akong kinabahan sa nakita. Pakiramdam ko anumang oras bibigwasan niya ng kamao si Philip. Kaya bago pa mangyari iyon ay hinawakan ko ang kamay ni Philip para makaalis na doon. Kahit na may iniinda pa sa katawan ay tiniis ko mapaglayo lang silang dalawa. "Let's go. Uuwi na din ako," mahina kong sambit. Nilingon ko si Mia at sinenyasan na lumabas bago binaling ang tingin kay Emil na nakatitig sa kamay kong na kay Philip na. "Salamat pa din sa pag-assist sa akin. Mauna na ko," sabi ko at agad na tinalikuran siya para umalis na. Binitiwan ko ang kamay ni Philip at humakbang na. Ilan pa lang ang nagagawa ko ng mapahinto kami dahil nagsalita ito. "I'm just doing my job. Huwag mong dumihan ang utak mo dahil wala akong ibang intensyon sa