KABANATA 74: HINDI na maipinta ang mukha ko dahil panglima na take na namin ito. Pero bakit nakangiti pa din ang direktor kahit na kanina pa kami sa pwesto namin ni Emil sa kama. "Okay lang, ganyan talaga kailangan maayos ang make-up..." sabi ni Direk kahit na hindi naman mukhang haggard ang itsura ni Emil. Tinulak ko siya sa dibdib para maka-ahon ako sa kama. "O, bakit ka pa bumangon. Balik ka sa pagkakadantay ng ulo mo sa dibdib niya. Ano ba naman 'yan. Hindi tayo matatapos nito. Hindi ka sumusunod..." sabi ni Direk sa akin. Tinikom ko ang bibig at bumalik sa dating pwesto. Hindi ko na magawang tignan ang mukha ni Emil dahil naiinis na ako. Parang ang bait ni Direk kay Emil samantalang sa akin mahigpit. Ako iyong may-ari ng Hacienda at bayad ko itong shoot na 'to bakit sinusungitan a