KABANATA 73: HINDI ako makatingin kay Philip sa kahihiyan. Halatang wala ako sa sarili at ilang beses niya akong nahuhuling napapasulyap kay Emil. Ibinigay ni Philip ang sa kanya ulit. "Pasensya na talaga..." hinging paumanhin ko. "Okay lang. Kainin mo na 'yan," sabi ni Philip habang nilalagay na sa tabi nito ang sunog na hotdog ko kanina. Umiling ako. "Share na tayo. Akin itong isa..." sabi ko at gamit ang kinain ko ang isang mini hotdog. Inabot ko sa kanya ang isa. "Ang kulit mo..." he chuckled. Umiling pa siya habang tinatanggap na iyong binigay ko. Nakakahiya naman na ilang beses na siyang nagluto tapos lahat ako kumakain. "Ay, bakit?" "Ba't tumigil?" Napabaling kami sa nagsalita. Nakatingin lahat sila kay Emil kaya pati ako napasulyap na din. Nakatitig lang ito sa gitara na p