KABANATA 72: NANATILI ang mga mata ko sa bonfire. Ayokong makita ang mukha niya. Kung masama ang loob niya sa akin. Mas doble ata ang sama ng loob ko para sa kanya ngayon. Kahit na nagkakagulo sila dahil sa kanya. Hindi ako nakisali. Bumuntong-hininga si Philip sa aking tabi. Napabaling ako sa kanya dahil nilapit nito ang bibig sa tainga ko. "Do you want to go home?" bulong niya sa akin. Tinitigan ko siya. Nahihiya akong umalis lalo na nakita nila na nandito na ko. Siguro mamaya na lang iyong hindi nila mapapansin. "Mamaya na lang siguro kapag hindi masyadong pansin..." sagot ko. Napapikit ako ng magtilian silang lahat dahil kay Emil. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya at ganoon na lang ang pagkalabog ng puso ko ng maabutan ko ang mariin niyang tingin sa akin. Ang mga mata na may