KATAPUSAN: TAMAD kong binalingan si Elise. Matapos nitong malaman ang ginawa ko ay pumunta pa siya sa kwarto ko para sumugod. "Nababaliw ka na ba?! Bakit ka nangingialam sa shoot ng iba! Tapos magkano ang binayad mo? Talagang ikaw pa ang nagbayad? Labag sa kontrata ito, Adam! Lahat dadaan sa akin, sa management pero nagsasarili ka? Ang liit ng bayad nila sa model tapos... tapos ikaw pa nagbayad? I can't believe this!" sapo ni Elise ang noo habang namomroblema sa akin. "I'll pay the damages, then. Pabayaan mo na ko sa kung anong gusto kong gawin. Alam mong hindi ko ito ginagawa kailanman. Ngayon lang," mahinahon kong sabi sa kanya sabay hithit ng sigarilyo. Tinukod ko ang isang kamay sa barandilya at tinatanaw ang swimming pool at malawak na lupain na pagmamay-ari ng tinatawag nilang Sen
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books