KABANATA 64: NAKITA kong umalis din siya agad matapos makausap ang pinsan nito. Nagpatuloy kami sa picture taking pero tintamad na ko. Nagtagal ng kaunti dahil kinausap pa ang ilang opisyal at iniimbitahan pa kami para sa salo-salo bukas. I politely decline. I planned my stay here bago pa kami umalis ni Vernice. We visit my mother's tomb the next day. Nakatitig ako sa lapida habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa magkabila kong bulsa. Vernice is beside me. Puno ng bulaklak ang puntod niya. May mga nakausap na ako para mapagawan ng musuleo si Mama. She deserve nothing but the best. I am just disappointed na wala na siya bago niya maranasan ang magandang buhay. May kurot pa din sa dibdib. I know my Mama is happy right now. Lalo na ngayong okay ang buhay ko. Sinunod ko ang payo niya.