KABANATA 65: I looked down just to check what's going on. Nagpaka-DJ na siya sa baba kasama ang isang foreigner. I know she's drunk. Halata sa mukha at kilos niya. I clenched my jaw as I rest my hands on the railings. My lips form into a thin line. That foreign guy is making moves on her! Is she too innocent not to notice that?! Nag-angat ito ng tingin ng tawagin ng lalaking nagngangalang Joaquin. "Babe!" Napangisi siya habang nakatingin sa lalaki. Oh, so mayroon na nga siyang boyfriend? Hindi ako makangiti at pinagmamasdan lang ito sa ginagawa hanggang sa napabaling siya sa gawi ko. Nawala ang ngiti nito sa labi at binagsak ang mga mata sa mixer. Tinagilid ko ang ulo. Maniniwala na sana ako na may boyfriend siya kung hindi ko lang narinig na tinawag ng Joaquin ang babaeng katabi niya