KABANATA 66: NAPATINGIN sa kanila ang guard. Kaya inunahan ko na. Tinakbo ko talaga ang distansya sa Club house hanggang gate para lang hindi sila mabuking na ang dala-dala ni Joaquin ay may-ari ng Hacienda. "Kilala ko sila," sabi ko kaya napahinto ang guard ng sinenyasan ko na huwag ng kausapin. It's hilarious that I am taking advantage of being one of their guests. Nag-book na ako ng stay ko dito noong nakaraang araw pa kaya hindi din nila ako masisita kung bakit ako nandito ngayon. I planned to stay here with my team tomorrow kung sasama sila sa akin. Luluwas na lang sana sa Maynila kapag may shoots or interview. Napatingin sa akin si Joaquin at napakunot ang noo. Sumulyap sa guard na may kausap na sa radyo nito sabay baling sa akin. Tumikhim ako. Inantay kong makalayo ang guard bag