KABANATA 93: ILANG minutong katahimikan bago ako nagsalita. Lakas loob akong tumingin sa kanya kahit hilam ang mga luha. "Philip... magsalita ka naman, please..." pakiusap ko. Kinakabahan ako sa katahimikan niya. He slowly opened his bloodshot eyes. Malalim ang paghinga habang diretso ang tingin sa kalsada. Para bang ayaw niya ng makipagtalo dahil alam naman niyang hindi siya mananalo. Nanginginig ang labi ko lalo na ng dahan-dahan na itong tumango. "I'm sorry... I'm sorry..." nanghihina kong sabi. Halos magmakaawa ako sa kanya dahil hiyang-hiya ako na ito ang ibabalik ko sa lahat ng effort, kabaitan at pagmamahal niya. Nanatiling tahimik si Philip pero pumatak na ang luha sa kanyang mga mata. Mas gusto ko pa yata na awayin niya ako. Sumbatan niya ako. Magalit siya sa akin. Kaysa sa g