KABANATA 91: HALO-HALONG emosyon. I'm happy and overwhelmed. Kasi iyong mga katagang iyon ay sa panaginip ko na lang narinig. Apart of me is nervous and scared. Paano kung pagpapanggap lang pala lahat ng ito para lang makaganti sa akin? Natatakot ako sa kung anong kasunod ng lahat ng ito. Kinakabahan ako dahil ganito naman ako sa tuwing malapit siya sa akin. Iyon bang nasusuka ako na nanlalamig ang aking tiyan. "I'm sorry for doubting you. Sorry for the accusations and for... hurting you. Iyong nangyari noong huli. Buong akala ko naman talaga may kasalanan ka. It took me a while to realize that you are really innocent and have no intention to hurt Vernice. I am too stupid not to figure it out instantly. Kung hindi ko pa narinig sa kasamahan ko. Mabubuhay ako sa maling akala," mahinahon n