KABANATA 90: NATIGILAN ako ng ilayo ako ng tuluyan ni Philip doon at siya na ang kumausap sa driver. “Ano pong problema?” ulit niya. Umiling si Philip. “Pasensya na, boss. Nagkamali lang,” si Philip. Sumubok ako sumilip sa loob pero tinignan ako ng driver kaya hindi ko din nagawa ng tuluyan. Sinulyapan ako ni Philip sabay baling sa driver. Sinenyasan na p’wede ng umalis. “Pasensya na ulit!” Hinatak ako ni Philip palayo doon. Tinanaw ko ang Rolls Royce na tuluyan ng umalis pero hindi ako maka-get over dahil iyon nga ang plaka ng sasakyan na bumusina sa amin noon. Ang kaso iyon din kaya ang sasakyan na nakikita kong palaging sumusulpot at sumusunod sa amin o talagang nagkataon lang? “Bakit ka sugod ng sugod? Kung masamang tao ‘yon nabaril ka na. Geselle naman!” Napahawak si Philip sa