koKABANATA 89: NANLAKI ang aking mga mata. Napahawak ako sa braso ni Philip, aware ako sa ginagawa niya. Naka-awang ang aking labi. Hindi ko magawang tumugon agad pero sinubukan ko. I closed my eyes and tried to kiss him back. I wrap my arms around his neck. Kaso wala pa atang ilang segundo. Naghiwalay ang labi namin sa tindi ng busina at lakas ng ilaw mula sa sasakyan. Napapikit kaming dalawa ni Philip. Binaon ko sa leeg niya ang aking mukha dahil nasisilaw. Wala naman kami sa gitna. Hindi naman kami nakaharang bakit kailangan pang bumusina. Halos mabingi yata kami sa lakas. Napatakip na ko ng tainga at si Philip na bilang lang sa daliri kung magmura ay naging sunod-sunod na. "f**k it!" Balak pa niya sanang sugurin kaso hinila ko na lang at hinatak papunta sa kabilang side ng sasakyan