KABANATA 88: WALANG kakurap-kurap niya akong tinignan. Puno ng admirasyon at maingat ang kanyang mga mata. Napangiti ako. “Kung ganyan kaganda ‘yong sasamahan ko sa Club. Gabi-gabi na kitang papayagan…” namamaos niyang sabi. Dumaosdos ang palad nito sa aking likod at hinapit ako sa beywang. Napanguso ako, “Parang sinabi mong pangit ako kung di ako pupunta ng club.” He chuckled. “Let me rephrase it then. Sobrang ganda naman ng sasamahan ko ngayong gabi. Baka hindi na kita payagan sa dami ng nag-aabang na lawin sa labas.” Natawa ako sa sinabi niya. Nahampas ko siya tuloy ng bulaklak sa braso. “Ewan ko sa’yo!” sabi ko pero natatawa talga ako. Nanuot sa ilong ko iyong panlalaking pabango niya. Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo. Isang buwan na pero di pa nagawa ni Philip na hali