KABANATA 87: NAKATULONG sa akin iyong kasama ko ang mga kaibigan ko para ma-okupado ng ibang bagay ang isip ko. I promised myself that last night was the last time I'd cry for him. Kaya magandang balita na din sa akin na umalis na sila sa Hacienda. Makakagalaw na ako ng malaya. Babalik ulit sa dati. "Iniiyakan mo pa din ang lalaking 'yon?" sabi ni Lolo ng ipatawag akong muli sa library. Naiwan ang mga kaibigan ko sa sala habang kasama ang isa naming kasambahay at kinakausap sila. I looked away. Pinatawag ako para ba sabihin 'yan? Dapat ko pa bang aminin samantalang halata naman sa mga mata ko. Namamaga nga eh. Pinuna nila Rita kahit na tinabunan ko na ng make-up. Bumuntong-hininga si Lolo. Nakaharap siya sa malaking bintana habang hawak ang tungkod nito. Naroon lang ako sa likod niya.