KABANATA 86: HIYANG-HIYA ako na kausapin si Philip tungkol doon. Kaya gusto ko sana iwasan ang topic dahil kinikilabutan ako sa pinagsasabi ko kay Philip kagabi. Uuwi na ang dalawa mamayang gabi. Imbes na masulit namin sa kakagala sa Hacienda ang araw na ito. Nagpasya kaming magkulong sa kwarto. Tulad ulit ng kahapon. “Palagi na lang kayong nagkanda-abot ni Emil. You should stay here for a while or in your office. Magpakita ka na lang kapag wala na sila,” sabi ni Phoebe. Katatapos lang niya maligo at iyon agad ang bungad sa akin. “Don’t worry, I’m planning to do that too. 2 days na lang aalis na din naman sila,” sabi ko sabay sulyap sa pool side. May mga guests na nagkakatuwaan habang naliligo doon. Nasa room lang kami tulad ng kahapon. Movie marathon ulit at pinadala ko na lang din a