KABANATA 85: LASING na nga yata ako. Kaya ganito na lang kalakas ang loob ko na ipakita at ilabas lahat ng nararamdaman ko. Nagising si Phoebe dahil sa iyak ko pero hindi naman niya ako maasikaso din dahil maging siya ay lasing na din. Bumalik na lang ito sa pagtulog. "Sige, ayaw mo magpaawat. Uminom ka tapos makikinig lang ako." Sinamaan ko ng tingin si Rita. Nabitin sa ere ang hawak kong can beer. "T-that's... unfair!" sabi ko. Nahihilo na ako at ang unti-unti ng nahihirapang magsalita. "Dalawa na kayong lasing. Ako na lang ang matino. Kung sasabayan kita pare-pareho tayong susuka sa kama. Walang nag-aasikaso," yamot na sabi ni Rita. Umungol lang ako sa iritasyon. Hindi ko pa din gusto ang paliwanag niya. Sinalin ko ang laman ng can beer sa baso. Nahihirapan kasi akong direktang u