KABANATA 45: NANGANGAWIT na ang binti ko. Masakit na din ang paa ko sa ilang oras na kakatayo. Lasing na din si Phoebe at nahihilo na kami pareho ni Rita. Nakailang shots na din kami pero si Phoebe ayaw pang umuwi dahil daw may show pa kapag alas-dose ng gabi. After ng show, uwian naman na talaga. Aware si Rita doon pero gusto niya ng umuwi dahil tawag na ng tawag si Prince dahil nahuli siyang wala sa bahay nila ngayong gabi. Nag-upload ng picture ang kapatid ni Rita sa Facevbook patungkol sa gaano kasarap kapag wala ang Ate niya sa bahay. Hindi na tuloy ma-enjoy ni Rita ang natitira naming minuto sa club. Kaunti na lang nga iiwanan na kami eh. "Damn it! Umuwi na tayo, Phoebe! Maghihiwalay kami ni Prince dahil sa'yo. Sasabunutan kita!" sigaw nito pero nginusuan lang ni Phoebe. Nanglala