KABANATA 46: GALIT na galit ako. Sobra ding nasasaktan dahil alam ko hindi ko talaga kayang tanggapin ang pagkatao niya. Maayos akong pinalaki ni Lolo. Mataas ang tingin sa aking ng mga taong nakapaligid sa akin at ang expectation din nila ay ang mahahanap ko ay matino lalaki na nabibilang din sa alta-sociedad. Nagmahal ako ng lalaking malayong-malayo sa estado ko sa buhay. Langit at lupa kaming dalawa pero pinili ko na bumaba at iapak ang mga paa ko sa lupa para lang pumantay sa kanya. Handa akong tumulong at gawin ang lahat para umangat siya pero anong nangyari? Pinili niya ang madilim na trabaho kaysa ang tanggapin ang tulong ko. Sa mga oras na ito sarado ang isip ko. I want to give him the benefit of the doubt, but I just couldn’t! Agos ang mga luha sa aking mga mata. Nanginginig pa