KABANATA 69: SINARADO ko ang locker matapos ilagay doon ang duffel bag. Pasimple kong pinasadahan ang buong paligid habang abala sa pagpupusod ng mahaba kong buhok. Nakita ko siyang nasa weight bench na siya at magsisimula ng magbuhat. Kitang-kita ko ang mga muscles nitong bumakat sa under armour fitted shirt. Napaiwas ako ng tingin at tinagilid ang ulo habang nagtatali ng buhok. Pinasadahan ko ng palad ang aking ulo para masigurong walang takas na buhok. Napasulyap ako sa kanya. Nagulat ako na nakatingin siya sa akin habang hawak na nito ang dumbell. Mabilis akong bumaling sa ibang direksyon at nagtungo sa treadmill bitbit ang tumbler. Nailang ako dahil sa leeg ko siya nakatingin. Wala sa sarili akong napahawak doon. Wala namang dumi. Sa totoo lang buo ang kumpiyansa ko mula pa kagabi