KABANATA 70: I composed myself before I turned to him. Salubong ang kilay ni Emil ng magtama ang aming mga mata. “Do you want closure?” I asked. Matapang kong hamon sa kanya. "Why it seems it looks like I'm the—" hindi niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ako. "Philip!" Tawag ko sa bagong dating at halatang may hinahanap dahil saglit siyang luminga kaya tinawag ko na. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Anong ginagawa nito dito. Lumawak ang ngiti ni Philip ng mahanap ako pero kumunot ang noo ng makitang may kausap ako. Lumingon si Emil sa kanya kaya umawang ang bibig nito at nagulat. "Wow! Adam! It's nice to see you again! The famous top model is here! Kumusta!" tuwang-tuwa si Philip ng makita si Emil. Hindi ko makita ang reaksyon ni Emil dahil nakatalikod siya sa akin. Nagka