"Ipangako mo, bulldozer, kahit ano pa ang malaman mo about me, hindi mo ako iiwan. H-hindi mo ako ipagpapalit." Nag-angat ito ng mukha habang nakapulupot pa rin ang mga braso sa kaniya, tila nagmamakaawa siya nitong tinitigan. Nakaramdam siya ng kaba sa mga pinagsasabi nito, pero sa huli ay pinili niyang hindi pansinin iyon. Bumaba ang mukha niya at tuluyang pinaglapat ang mga labi nila ng babae. Kilala niya si Dahlia. Kilala niya ang babaeng minahal niya. Kung ano man ang sinasabi nito, nasisiguro niyang maliit na bagay lamang iyon. Wala sa ugali nito ang makagawa ng mabigat na kasalanan. NAKATAYO si Dahlia sa tabi ng lilim ng puno habang nakangiti at nakatingin sa mga batang naghahabulan sa paligid. Nasa isang park sila kung saan maraming mga bulaklak at mga halaman ang nakatanim sa