MATAGAL nang nakatayo si Rael sa labas ng mansiyon habang naghihintay sa gilid ng tarangkahan. Nakapagpaalam na siya sa don at nagkasundo na rin sila na may mga tauhan itong lihim na magbabantay sa kanila ni Dahlia. Mula sa malawak na bakuran, binaling niya ang tingin sa maliit na brown envelope na hawak niya. Napangiti siya bago iyon ipinasok sa bulsa sa likod ng pantalon niya. Simpleng maong na pants at iyong couple shirt nila ni Dahlia ang suot niya. Hindi mapigilang hindi ngumiti ni Rael na parang tanga. Kumakabog nang malakas ang dibdib niya dahil sa sinabi kanina ni Dahlia. Pabulong nitong sinambit ang mga katagang iyon, pero dinig na dinig ng magkabila niyang tainga. Ilang sandali pa ang kaniyang hinintay, umaliwalas ang mukha niya nang matanaw ang paparating na dalaga. Nakasuot