Noon sa tuwing nasasaktan at umiiyak siya, si Rael ang laging nandiyan. Ang binata ang natatakbuhan niya, ito lang din ang nakakapawi ng lahat ng sakit, pero ngayon... nasa bisig na ito ng ibang babae. "Ugh!" Napalakas ang daing niya nang bumangga siya sa malapad na dibdib ng kung sino at akmang babagsak, subalit mabilis siyang nahawakan sa baywang ng lalaki at mahigpit na hinawakan sa isang kamay. "Paislee, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sanchez, lalo pa nang makita nito ang mga luha sa pisngi niya. Mabilis siyang itinayo nang tuwid ng binata at inalalayan nang akmang mabubuwal na. "Bakit ka umiiyak?" Mahihimigan ng pag-aalala ang boses ng lalaki. Mula sa baba, nag-angat siya ng tingin dito. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito, maging sa dalawang pares ng kulay honey nito