Chapter Thirty-nine

1025 Words

NAGBUGA ng hangin si Rael bago nilingon ang dalagang si Dahlia saka nakangiting inipit ang ilang hibla ng buhok nito sa likuran ng tainga ng babae. Nakatayo sila sa tapat ng pintuan ng library at handa nang sabihin sa ama ng dalaga ang lahat. "Ready?" May banayad na ngiti sa mga labi niya. Mabilis na tumango si Dahlia. Halos umabot na sa magkabilang tainga nito ang malaking ngiti sa mga labi dahil sa kasiyahan. Ilang ulit siyang kumatok sa pinto, at nang marinig ang tinig ng don mula sa loob, tuluyan niya itong binuksan saka sila pumasok sa loob. Bumungad sa kanila si Don Devid habang abala itong nakatutok sa mga papeles sa ibabaw ng mesa nito. "Hi, papa!" masiglang bati ni Dahlia at itinaas pa ang kamay para kumaway sa ama. Mabilis naman sumilay ang malapad na ngiti sa mukha ng don

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD