Chapter Fifty-six

1027 Words

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rael habang nagpapahid ng tuwalya sa basang katawan at mukha. Kasalukuyan siyang nakatayo sa gilid ng pool katabi ang dalagang si Paislee. Nakatitig sa kaniya ang babae. Makikita ang maliit na ngiti sa mga labi nito ngunit walang lumalabas na salita mula roon. Sinabit niya ang puting tuwalya sa kabilang balikat bago tuluyang nilingon ang dalaga. "Ano'ng gusto mong sabihin?" Nakita niya kung paano ito lumunok na para bang kinakabahan na magsalita. Bumaba pa ang tingin nito at tila nag-iisip na ngumiti. "Napakalamig mo na sa akin," narinig niyang saad nito. Bakas sa boses ng dalaga ang lungkot. Nagbuga siya ng hangin bago iniwas ang mukha at ibinaling sa dalawang lalaki ang paningin. Naroon at nakaupo sa dalawang lounge chairs sina Sanchez

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD