Natawa siya nang mahina. Tumigil sila hindi kalayuan mula sa pinto ng kuwarto nito. Pinaharap niya sa kaniya ang babae at nakangiti itong tinitigan. "Flower, tama naman si Don Devid. Masiyadong delikado. Oras na may nangyaring masama sa iyo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Biglang yumakap sa kaniya si Dahlia at malapad na ngumiti. "Everything will be alright, my bulldozer. Isa pa, may ibibigay ako sa iyo bukas. Kaya hindi puwedeng hindi matuloy ang lakad natin." Sa narinig ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito at mas lalong hinigpitan ang yakap. "At may sasabihin din ako bukas, pero hindi naman kailangan mauna pa akong pumunta. Bakit hindi na lang tayo magsabay?" Umiling ang babae. "Basta nga!" Kumalas ito sa yakap nila at nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang marating ang tapa