MABILIS na nagsalubong ang dalawang kilay ni Rael at napalitan ng pag-aalala ang reaksiyon na makikita sa mukha niya. Maging ang dalawang pares ng mga mata niya ay napuno ng katanungan. "Ano? Hindi puwede," tanggi niya sa nais na mangyari ni Dahlia. "Gusto mo ba talaga akong patayin ng papa mo, flower? O gusto mo akong mamatay sa pag-aalala?" Hindi niya alam kung bakit ganito si Dahlia. Sadya bang matapang lang ito o sobrang tigas ng ulo. Alam na nitong delikado ang buhay nito, pero nagagawa pa ring magdesisiyon nang ganoon. Mula sa nakangiting mukha, agad namang sumeryoso ang reaksiyon ni Dahlia kasabay ng pag-iling nito. "Of course, ayaw ko." Pinulupot pa nito ang dalawang kamay sa braso niya at tumingala sa kaniya. Nagbuga siya ng hangin. "Puwes, hindi puwede. Dapat lagi akong na