Napatawa siya bago ito hinalikan sa pisngi. Kinain niya ang mga desserts na si Dahlia mismo ang may gawa. Nang kunin naman nito ang dalawang mason jars, kinailangan pa niya itong tulungan dahil nahirapan itong dalhin iyon. Puno ng juice ang mason jar at sadyang mabigat para sa babae. "Alin ang gusto mo, my bulldozer? Itong banana with raspberry juice? O itong pineapple with blueberry juice?" Napangiti siya bago kinuha ang mason jar na may lamang juice ng banana and raspberry. "Ito na lang. Kulay rosas, ang paborito mong kulay." Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Dahlia. "Paano mo nalaman iyon, bulldozer?" Bigla siyang natawa sa nakitang reaksiyon mula rito. "Medyo halata kasi, flower. Medyo lang naman." Hinawakan niya ito sa kabilang pisngi at marahan iyong hinaplos. Napatango ito. "S