NAGMAMADALING humakbang si Rael papalapit sa pinto at mahigpit na hinawakan sa braso ang dalagang si Paislee. Ilang segundo silang nagkatitigan habang bakas sa mga mukha ang kaba at pagkagulat. Mariing itinikom ng babae ang bibig nito nang hilahin niya sa kamay at lumapit sila sa cabinet. Binuksan niya iyon saka hinawi ang mga damit sa loob. "Pumasok ka," mahina ngunit matigas niyang utos. Mula sa mukha niya, binaling nito ang tingin sa loob ng cabinet at bahagyang natigilan. "H-ha?" Hindi na ito nakatutol pa nang muli niya itong hinila at puwersahang ipinasok sa loob ng cabinet. Muli pa niyang inayos ang mga damit na nakabitin sa itaas bago tuluyang isinara ang pintuan. Mabuti na lang dahil kahit matangkad ang babae, hindi ganoon kalaki ang katawan nito at hindi rin mabigat ang timban