Chapter Nineteen |2|

1095 Words

Nagpakawala siya ng hangin bago ibinaba iyon. Dahil sa kagustuhan niyang bilhin ang kuwintas para sa babaeng amo, nawala ito sa paningin niya at kamuntikan nang masaktan. Kung nahuli-huli lang siya, paniguradong nasaktan na ng lalaki si Dahlia. Mariin siyang lumunok bago inilapag sa ibabaw ng sidetable ng kama ang kuwintas. Pinagpawisan siya sa ginawang pakikipagsuntukan kanina kaya nais niya munang maligo upang maging presko uli ang pakiramdam. Naiiling siyang naghubad ng mga damit. Mabuti na lang dahil pumayag siya sa training na sinasabi ni Sanchez, nagamit niya ang mga itinuro nito at pakiramdam niya, bahagya pa siyang lumakas. Matapos hubarin ang lahat ng kasuotan, sandali pa siyang tumitig sa mahabang salamin sa likod ng pinto ng cabinet niya upang mapagmasdan ang sarili. Bata pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD