Chapter Forty-nine |2|

1039 Words

HINDI na nagawang magpaalam ni Rael kay Dahlia nang umalis siya noong umagang iyon. Ayaw niyang mag-alala pa ito kaya pinili niyang diretsong umalis. Matapos magpahatid sa isang squatter's area na lugar, bumaba siya ng taxing inupahan at naglakad sa maputik na daan patungo sa pinakaloob. Halos mag-iisang taon na rin ang nakalilipas simula noong huling punta niya roon, pero maging sa mga oras na ito ay hindi pa rin nagbabago ang paligid. Dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa kahoy. Naghahabulan ang mga batang wala pang ligo at ang mga suot na damit ay marurumi. Makalat at mabaho ang paligid at daang binabagtas niya. Sa loob nang mahigit dalawang taon simula nang lumuwas sila ng Maynila, iyon ang lugar na madalas niyang puntahan sa tuwing sinusundo at hinahatid niya ang noo'y nobyang si Pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD