Chapter Thirty-seven |2|

1158 Words

Nang maiwan naman ang dalawa, mabilis siyang hinila ni Rael at niyakap nang mahigpit. Pulang-pula ang mga mata ng lalaki sa pagpipigil ng luha. "A-ayos ka lang ba? Hindi ka ba nakakain? Mabuti ba ang kalagayan mo?" nanginginig ang boses nito at halos utal-utal sa pagtatanong. Umiiyak siyang tumango habang yakap nito nang mahigpit. "Bakit ako ang inaalala mo? Mag-alala ka para sa sarili mo. Akala ko, mawawala ka na sa akin." Muling nangilid ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi. Nakangiti namang humiwalay si Rael sa yakap nila, ngunit nanatili siya sa mga bisig nito. Napapikit siya nang pugpugin siya ng lalaki ng halik sa buong mukha. Bawat halik nito sa kaniya ay damang-dama niya ang init ng pagmamahal nito. Maya-maya ay tumigil ito sa paghalik at buong pagsuyo siyang tinitig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD