MALUNGKOT na yumakap kay Rael si Dahlia matapos lumabas ni Paislee sa loob ng pribadong silid na kinaroroonan nila. Bakas ang pagkabigla sa mukha ng dating nobya bago ito umalis. Halata ring nasaktan ito sa mga sinabi niya. "Bakit mo naman ginanoon si Ate Paislee, my bulldozer? Baka magtampo na iyon sa atin." Pinagsiksikan ni Dahlia ang sarili sa mga bisig niya. Nakalimutan na niyang hindi pa pala alam ni Dahlia ang tungkol sa kanilang dalawa ni Paislee. Pero dahil sa inis niya sa inaasal nito sa dalagang amo, kung anu-ano tuloy ang nasabi niya sa babae. Marahan niyang hinaplos ang buhok ni Dahlia. Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na lang mamayani ang katahimikan sa pagitan nila. Nang marinig ang boses ni Don Devid sa labas ng kuwarto niya, mabilis na bumangon si Dahlia at bumaba