Mabilis pa sa alas-kuwatro itong nag-angat ng tingin. "Huh?" Masuyo niyang hinaplos sa magkabilang pisngi ng babae. Nakangiting tinitigan ang dalawang pares ng kulay brown nitong mga mata. "Ngayon ka pa ba magseselos? May nangyari na sa atin kagabi." Nakagat ng babae ang ibabang labi nito. Lalong namula ang mukhang pulang-pula na nga mula pa kanina. "It was just a sex." Bigla siyang natigilan sa narinig. Nagsalubong ang dalawang kilay niya dahil sa narinig mula rito. "May tawag kayo roon. One night stand, hindi ba? It was just a one night stand. It doesn't mean anything." Ibinaba niya ang mga kamay habang mataman pa ring pinagmamasdan ang mukha ni Dahlia. Dahil sa ginawa niya, mabilis itong nag-angat ng mukha. "Seryoso ka ba?" magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito. Alam