Chapter Twenty-nine |2|

1073 Words

Ang seryoso niyang mga mata, tuluyang tumalim nang marinig ang sinabi ng babae. Ilang ulit pa itong lumunok matapos humugot ng malalim na hangin. Pilit na pinapanatili ang ngiti sa mga labi. "Sa lahat ng babae, iyong kapatid ko pa." Hindi siya nagsalita at patuloy lang itong pinagmamasdan. Pinapakiramdaman niya ang kaniyang sarili. Gusto niyang malaman kung apektado pa rin ba siya sa babae. "Okay. Kung diyan ka masaya." Mapait itong ngumiti. "Hahayaan na kita." Mariin siyang kumuyom matapos bawiin ang paningin. Gusto niyang talikuran ito at umalis na, pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya magawa. Maraming taon ang pinagsamahan nila, hindi iyon basta-bastang mawawala. Hindi niya basta makakalimutan lang sa isang iglap. At kahit gaano kasakit ang ginawa sa kaniya ng dating n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD