NAALIMPUNGATAN si Rael sa ingay na nanggagaling sa aircon ng silid ni Dahlia. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya bago tuluyang nagmulat ng mga mata. Ang nahihimbing at maamong mukha ng dalaga ang unang bumungad sa paningin niya. Nakaunan ito sa malapad niyang dibdib at nakatingala ang mukha sa kaniya. Bahagya pang nakaawang ang bibig nito. Napangiti siya bago umangat ang isa niyang kamay at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Birhen ang dalaga pero talagang pinagbigyan siya ng babae na gawin ang gusto niya kagabi. Dahil sa naisip, mabilis na nagbalik sa kaniya ang nangyari sa club na pinuntahan nila. Nagbuga siya ng hangin. Hindi makapaniwalang itinuon niya ang sariling tingin sa kulay rosas na fabric na nagsisilbing kisame ng kama ng dalaga. May nangyari sa kanila ng anak ni Don