Chapter Ten

1308 Words

TUMIGIL sa paglalakad si Rael sa harap ng hagdan at tumingala sa pangalawang palapag. Simula bukas ay bodyguard na siya ni Dahlia. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. May kung anong bagay sa loob niya ang nasisiyahan sa isiping magiging bodyguard siya ng babae. Pero sa kabila niyon, nakaramdam din siya ng kaba. Prinsesa kung ituring si Dahlia ni Don Devid kasama ng lahat ng tao sa loob ng mansiyon nito. Paano kung hindi niya magawa nang maayos ang trabaho? Paano kung masaktan ito nang dahil sa kaniya? Nagising siya mula sa malalim na pagmumuni-muni nang bigla siyang lapitan ng babaeng si Miss Jiya. May banayad itong ngiti sa mga labi nito. "Rael, puwede mo ba akong tulungan?" Nang marinig iyon, hindi na siya nagsalita pa at tumango na lamang sa sinabi ng babae. Nagpapasama ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD