"Iyan ang plate number ng SUV na ginamit ng kalabang humabol sa amin. Hindi ko sigurado kung talagang license number nila iyan pero sa tingin ko, may makukuha tayong impormasiyon." Paulit-ulit na tumango ang lalaki bago ito bumaling sa sariling laptop at sandaling nagtipa. Kinuha niya iyong pagkakataon para magpatuloy sa pagsasalita. "Sa tingin ko, Don Devid, mga karaniwang tao lang ang mga umatake sa atin. Mukhang binayaran lang sila para atakihin tayo." Mula sa monitor ng laptop, nabaling sa kaniya ang paningin ng lalaki. "Paano mo nasabi iyan?" Tuluyan siyang humarap dito at mataman itong pinagmasdan. "Sa tingin ko, ang mga taong gusto kayong ipapatay, kapos sa pera. Iyon ang dahilan kaya ang mga taong umatake sa atin kanina, bago lang sa kanila. At sa palagay ko rin ho, kilala niny