"Kung totoo po ang sinasabi ninyo na padala ng kalaban si Rael, hindi niya po sana ako ililigtas at hahayaan na lang na malunod. Binuwis niya po ang kaniyang buhay para sa akin." Nag-angat ito ng tingin at malamlam ang mga matang tumitig sa butler. "Nakikiusap po ako, huwag n'yo na pong pagdudahan si Rael." May ilang minutong hindi nakapagsalita si Butler Jose habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Makaraan ang ilang sandali ay nagbuga ito ng hangin kasabay ng pagtango. Tuluyang nagpaalam si Butler Jose upang umalis, pero bago iyon ay sinulyapan pa siya nito. Pinanood niyang maglakad palayo ang lalaki. Alam niyang sa kabila ng pakiusap ni Dahlia, hindi pa rin magbabago ang mga iniisip at pagdududa nito sa kaniya. Pero hindi siya nababahala dahil alam niyang walang katotohanan ang mga iyo