Nagkibit-balikat si Paislee. "I got bored. Hindi pala masayang maligo kung mag-isa mo lang. Samahan mo naman ako bukas." "H-huh? H-hindi puwede." Sa pagkakataong iyon, nagdesisiyon siyang balingan na si Dahlia ng atensiyon niya. Nahuli niya itong nakasulyap sa kaniya habang namumula ang mukha. Nang makita siya nitong nakatingin, mabilis nitong ibinalik kay Paislee ang mga mata. Si Paislee ay palihim namang tumitig sa kaniya bago ibinabalik ang tingin kay Dahlia. "Bakit naman hindi puwede? Hindi ba talaga puwede o ayaw mo lang?" Pinagkrus pa ng dalaga ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib. "Gusto," mabilis nitong tugon. Nahihiya itong nagbaba ng mukha. "Kaso lang, ayaw ni Papa. M-marami raw kasing l-lalaki sa paligid." Mahinang tumawa si Paislee at umiling pa. "Si Papa talaga. Overpro